GraceNotes
   

   Sino ang Antinomian?

Ang salitang antinomian ay nangangahulugang laban sa kautusan (anti + nomos). Ang terminong ito ay madalas na ginagamit nang may pang-iinsulto sa mga mananampalatayang nanghahawak sa dispensational at Free Grace na pag-unawa sa Kasulatan. Ang kontrobersya ay nakatuon sa kahulugan ng kautusan, ang kaugnayan nito sa buhay Cristiano, ang kaugnayan ng pag-aaring matuwi sa sanktipikason, at ang batayan ng katiyakan.

Ang akusasyon

Inaakusahan ng mga kritiko na ang pananaw ng Free Grace tungkol sa pag-aaring matuwi sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ay naghihiwalay sa pag-aaring-matuwid mula sa sanktipikasyon, na ginagawang opsiyonal ang kabanalan at ang katiyakan ng kaligtasang hiwalay sa isang nabagong buhay. Pinapayagan nito ang mga makalaman na nagpapahayag ng pananampalatayang hindi talaga ligtas at hinihikayat ang kalaswaan. Naniniwala ang mga taga-akusang ang pag-aaring matuwid ay naglalagay sa Cristiano sa ilalim ng kautusan at hindi maaaring mahiwalay mula sa sanktipikasyon, na siyang batayan ng katiyakan. Sa kabalintunaan, marami sa mga nag-aakusang ito ay kinikilalang ang mga guro ng Free Grace mismo ay karaniwang namumuhay ng maka-Diyos na buhay at hinihimok ang kabanalan sa iba.

Ang Kautusan ba ay para sa mga Cristiano ngayon?

Isang pangunahing isyu ay kung ang Kautusan ni Moises ay nananatiling umiiral para sa mga Cristiano. Karaniwang hinahati ng mga kritiko ang Kautusan sa mga kategoryang moral, seremonyal, at sibil, na sinasabing tanging ang moral na kautusan lamang ang nagpapatuloy. Gayunpaman, palaging itinuturing ng Kasulatan ang Kautusan bilang isang nagkakaisang kabuuan (Gal. 3:10; 5:3; San. 2:10). Ang Kautusan ni Moises ay ibinigay sa Israel (Rom. 5:9:4; Juan 15:25; 18:31), hindi sa lahat (Rom. 2:14). May ilang nagsasabing ang Efeso 6:1-4 ay isang halimbawa ng Kautusan ni Moises na namumuno ngayon, ngunit ang konteksto ng 5:18 – 6:9 ay tungkol sa pagkilos ng Espiritu Santo sa iba't ibang relasyon. Bukod dito, walang lupang ipinangako sa mga hindi Judio. Kung nananatili ang mga Cristiano sa ilalim ng moral na Kautusan ni Moises, ang konsitensia ay nananawagan ng pagtanggap sa mga parusa nito, tulad ng kamatayan (Mat. 15:3-4; Juan 8:3-5). Bukod dito, maraming mga reperensiya sa Bagong Tipan tungkol sa “kautusan” ay hindi tumutukoy sa Kautusan ni Moises (tulad ng sa Mat. 22:36-40; Rom. 7:7-14) kundi sa kalooban ng Diyos sa mas malawak na konteksto (Rom. 2:14; 7:22; 1 Juan 3:4; San 1:25). (Para sa mas detalyadong talakayan, tingnan ang Mga Tala ng Biyaya Blg. 84 “Ang Kristiyano at ang Kautusan”)

Isang depensa laban sa paratang ng antinomianismo

  1. Ang pag-aaring matuwid at sanktipikason ay magkaibang proseso. Ang pag-aaring matuwid ang batayan ng sanktipikasyon, ngunit huwag itong pagbaligtarin o ang ebanghelyo ay masisira ng mga gawa. Walang sinuman ang maaaring maging banal kung hindi muna siya inaring matuwid (Rom. 5:9–11). Samantalang ang mga inaring matuwid na mananampalataya ay dapat lumago sa espirituwal, ang antas ng sanktipikasyon ay nag-iiba-iba at hindi maaaring magsilbing tiyak na pagsubok ng kaligtasan.
  2. Tinupad ni Cristo ang Kautusan ni Moises. Ganap na tinupad ni Jesus ang mga kinakailangan ng Kautusan (Mat. 5:17). Ang mga mananampalataya ngayon ay namumuhay sa ilalim ng Kautusan ni Cristo sa panahong ito ng biyaya (Juan 1:17; Gal. 6:2). Natupa ng Kautusan ni Moises ang layunin nito sa paghahayag ng kasalanan at pagdadala ng mga tao kay Cristo (Gal. 3:24). Bagaman ang mga moral na prinsipyo nito ay nananatiling nakapagbibigay ng aral, ang Kautusan ni Moises mismo ay hindi na ang tuntunin ng buhay ng mananampalataya.
  3. Ang tuntunin ng buhay ng mananampalataya ay ang Kautusan ni Cristo. Ang mga mananampalataya ay wala sa ilalim ng Kautusan ni Moises kundi patay na sa kaniyang pamamahala (Rom. 7:10). Kinilala nilang natupad ng Kautusan ang mga layunin nito (Rom 3:31; 7:12). Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sinusunod nila ang Kautusan ni Cristo na binubuod ng pag-ibig na sumasaklaw at tumutupad sa mga moral na prinsipyo ng Kautusan ni Moises (Rom. 13:8-10; Gal. 5:14). Habang naglalakad ang mga mananampalataya sa Espiritu, sila ay natural na natutupad ang mga makatarungang prinsipyong nakapaloob sa Kautusan (Gal. 5:22-23). Itinataltal ng Apostol Pablo na dahil ang mga gawa ng Kautusan ay hindi epektibo para sa pag-aaring matuwid (Gal. 2:16) hindi dapat bumalik ang mga mananampalataya sa mga ito para sa sanktipikasyon (Gal. 3:1). Ang mga mananampalataya ay pinapaging-banal sa pamamagitan ng “Kautusan ng Espiritu ng buhay kay Cristo Jesus” (Rom 8:2).
  4. Ang Apostol Pablo ay inihiwalay ang Kautusan ni Moises mula sa Kautusan ni Cristo. Hindi niya ibinibilang ang sariling nasa ilalim ng Kautusan ni Moises, kundi “sa ilalim ng kautusan patungo kay Cristo” (1 Cor. 9:19-21) na nabubuod sa utos ni Jesus, na mahalin ang isa't isa (Juan 13:34).
  5. Ang mga mananampalataya ngayon ay nasa ilalim ng biyaya, hindi ng batas. Sinasabi ni Pablo nang malinaw: “hindi kayo nasa ilalim ng Kautusan kundi nasa ilalim ng biyaya” (Roma 6:14). Ang biyaya ay tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi maaaring ihalo sa anumang kautusan (Rom. 4:4-5, 14; 5:2; 11:6). Sa ilalim ng biyaya, ang santipikasyon ay nagmumula sa ministeryo ng Espiritu Santo, hindi sa pagsunod sa Kodigo ni Moises (Rom. 7:6; 8:2-4; Gal. 5:5-6, 16, 22-25).
  6. Ang pagsunod ay isang mapagpasalamat na tugon. Ang mga mananampalataya ay sumusunod sa mga utos (kautuan) ng Bagong Tipan hindi upang maligtas, manatiling ligtas, o patunayang sila ay ligtas, kundi upang ipahayag ang kanilang pasasalamat sa Diyos at ang kanilang pagnanais na kalugdan Siya. Ang isang predeterminado o garantisadong tugon ay walang kahulugan. Ang ilang mga mananampalataya ay maaaring abusuhin ang kalayaang dulot ng biyaya na nagreresulta sa katotohanan ng mga makalaman na Kristiyano (1 Cor. 3:1-5).
  7. Ang biyaya ay naghihakayat sa pamumuhay na maka-Diyos. Ang biyaya ay hindi naghihikayat ng kasalanan. Matinding tinakwil ni Pablo ang paratang na iyon sa Roma 6. Ang biyaya ay nagtuturo sa mga mananampalatayang mamuhay ng maka-Diyos na buhay (Tito 2:11-12), habang ang darating na Hukuman ng Kristo ay nagbibigay ng makapangyarihang insentibo para sa tapat na pamumuhay (Rom. 14:10; 2 Cor. 5:10).
  8. Ang mga nasa ilalim ng kautusan ay dapat sumunod sa kabuuan nito. Itinuturo ng Kasulatang ang mga naglalagay ng kanilang sarili sa ilalim ng Kautusan ay obligadong sundin ang kabuuan nito (Gal. 3:10; 5:3; San. 2:10). Dahil imposibleng mangyari iyon, ang pagtitiwala sa Kautusan ay nagreresulta sa sumpa ng pagkaalipin at pagkahiwalay kay Cristo (Gal. 3:10; 4:21-5:4).

Sino ang tunay na antinomiano?

Ang ilang anyo ng teolohiyang Reformed ay nagtuturong kabilang sa nakapagliligtas na pananampalataya ang pagsunod na hindi maiiwasang nagbubunga ng pagtitiyaga at mabubuting gawa. Kung ang sanktipikasyon ay ginagarantiyahan ng pag-aaring matuwid, maaaring itanong kung ano ang praktikal na papel ng Kautusan sa buhay Cristiano. Sa teolohiyang Reformed Covenant, ang pagsunod ay nagiging isang inaasahang kinalabasan sa halip na isang makabuluhang pagpili, na tila sumasalungat sa intensiyonal na pagsunod sa kautusan. Ang sistemang iyon ay maaari ring lumikha ng kawalang-katiyakan kapag ang katiyakan ay pangunahing nakatali sa mga gawa kaysa sa pangako ni Cristo.

Pagbubuod

Ang paratang ng antinomianismo ay maling inuunawa ang posisyon ng Free Grace. Ang teolohiya ng Free Grace ay hindi tumatanggi sa awtoridad ng Diyos, kabanalan, o ang panawagang sumunod. Tinatakwil nito ang Kautusan ni Moises bilang tuntunin ng buhay ng Cristiano at pinagtitibay na ang mga mananampalataya ay namumuhay sa ilalim ng Kautusan ni Cristo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang biyaya ay talagang mapanganib dahil ang kalayaan ay maaaring abusuhin. Ngunit ang Bagong Tipan ay nagpapakita ng biyaya—hindi Kautusan—bilang paraan ng Diyos sa paglikha ng espirituwal na paglago. Ang posibilidad ng pang-aabuso ay hindi nagpapawalang-bisa sa biyaya katulad ng posibilidad na ang pagkukunwari ay hindi nagpapawalang-bisa sa pagsunod. Ang motibasyon ng mananampalataya ay hindi ang takot na mawalan ng kaligtasan o ang pangangailangang patunayan ang kaligtasan, kundi pasasalamat para sa walang kundisyong regalo ng Diyos at ang pagnanais na kalugdan ang Nagbigay nito.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes