GraceNotes
Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.
Dalawang pasahe sa Bagong Tipan ang binabanggit ang isang kasalanang nagdadala sa kamatayan, na madalas tinatawag na 'kasalanang ikamamatay.'
Ang hypergrace, minsan ay tinatawag na makabagong kilusang biyaya o radikal na biyaya, ay nagbibigay ng matinding diin sa natapos na gawa ni Jesucristo, biyaya, at mga Epistula samantalang minamaliit ang Lumang Tipan at ang mga Evangelio.
Ano ang nais ng Diyos para sa mga naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo? Sa Evangelio, ito ay ang maging alagad ni Jesucristo tungo sa daan sa pagiging kahawig ni Cristo. Ngunit sa Mga Epistula, kung saan ang mga salitang alagad at pagiging alagad ay hindi ginamit, may nakita tayong ibang perspektibo sa nais ng Diyos para sa mga mananampalataya.
Sa Bagong Tipan, makikita nating ang mga gumagamit nang mali sa kautusan upang balewalain ang biyaya ay nag-iimbita ng pinakamarahas na pagpuna ni Jesus at ng Apostol Pablo (Mat 23:13-28; Marcos 7:9-13; Gal 1:8-9; 5:12). Ang legalismo ay isang kaisipan at saloobing laban sa biyaya. Kailangang maunawaan ng mga Cristiano kung ano ang legalismo, ano ang mga anyo nito at ano ang mga konsekwensiyang dala nito upang hindi sila masilo nito.
Ang Free Grace ay nagtuturong ang kaligtasan ay ganap na libre. Ang sinumang nanampalataya lamang sa Panginoong Jesus Cristo bilang Tagapagligtas, kumbinsidong Siya ay namatay sa krus para sa kanilang mga kasalanan at bumangon muli, ay may buhay na walang hanggan. Ito ay problema para sa mga minamaliit ito bilang “madaling pananampalataya.”
Ang pasaheng ito ay puno ng lenggwahe at teolohiyang nagresulta sa iba’t ibang interpretasyon. Ang tatlong sitas na ito ay mas madaling maunawaan sa agos ng sinusundang konteksto ng v8-27...Ang buong konteksto ay nakatuon sa dibinong bahagi ng kaligtasan.
Hindi pinansin. Pinabayaan. Kinalimutan. Ang mga salitang ito ang naglalarawan kung paano tratuhin ng marami ang doktrina ng Hukuman ni Cristo (Judgment Seat of Christ, JSOC). ang JSOC (bēma sa Griyego) ay isang paghuhukom para lamang sa mga Cristiano, kung saan ang buhay ng bawat Cristiano ay sinusuri at ang mga gantimpala ay binibigay ayon sa mga gawa, katapatan at motibo
Sa pitong huling salita ni Jesus, ang "Naganap na!" ang pinakamalalim. Ang pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin ni Jesus nito ay makapalalakas ng loob ng mga mananampalataya, makasaksi sa mga hindi mananampalataya, at mapalilinaw ang maling teolohihya tungkol sa evangelio ng kaligtasan.
Ano ba ang itinuturo ng Romano Catolika (RC) tungkol sa kung paano ang tao maliligtas? Ang pananaw ng RC sa kaligtasan ay galing sa kanilang mga paniniwala tungkol sa biyaya, pag-aaring matuwid, at katubusan, ngunit ang mga ito ba ay biblical?
Ang pananampalataya at sumampalataya ay mga salitang karaniwang nilalarawan ng maraming mga salita. Bilang isang pangngalan, ang pananampalataya ay maaaring mangahulugan ng kumpiyansa, pagsang-ayon, katiyakan, o pagtitiwala.
*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.



