GraceNotes
Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.
Topic: Pagsisisi
(If the Gracenote is displayed in english, the translation was not available.)
Ang pagsisisi ay madedetermina base sa gamit at konteksto, ngunit anumang pag-aaral ng pagsisisi ay dapat magsimula sa gamit ng salita mismo.
Dahil ang ebanghelyo ni Jesucristo ay ang nag-iisang mensahe na makaliligtas ng tao, gusto nating maging malinaw sa pagpapaliwanag kung paano ang tao magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
May mga nahihirapang tanggapin na ang walang hanggang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ang nagpipilit na ang pagsisisi (pagtalikod sa mga kasalanan) ay kailangan din. Ito ang dahilan kung bakit may nag-aangkin na may pagsisisi sa Ebangehelyo ni Juan kahit pa na ang salita ay hindi matatagpuan sa pangngalan o pandiwa man na anyo (metaneo, metanoia). iginigiit nila na ang konsepto ng pagsisisi ay masusumpungan sa maraming sitas, ngunit ang kanilang depinisyon at pagpapalagay ng pagsisisi sa Juan ay hindi masusuportahan.
Ang kahulugan ng pagsisisi ay isang kontemporaryong kontrobersiya. Kapag ating siniyasat ang mga halimbawang sipi mula sa ilang historikal na souces, mayroong pangkalahatang pagsang-ayon na ang pagsisisi ay nasa diwang pagbabago ng isipan o ng puso. Ang impormasyon sa ibaba ay pinili mula sa isang artikulo ni Jonathan Perrault.
Sa Unang Bahagi (Tala ng Biyaya Blg 92) sinipi natin ang ilang mga historikal na sources sa kahulugan ng pagsisisi simula nang unang siglo. Makikita natin dito na sa loob ng dalawang libong taong, ang mga eksperto ay nagkakaisang lubos na ang pagsisisi ay panloob na pagbabago, isang pagbabago ng puso o isipan. Gaya ng Unang Bahagi, ang impormasyon sa ibaba ay pinili sa isang artikulo ni Jonathan Perrault.
Ang Free Grace ay nagtuturong ang kaligtasan ay ganap na libre. Ang sinumang nanampalataya lamang sa Panginoong Jesus Cristo bilang Tagapagligtas, kumbinsidong Siya ay namatay sa krus para sa kanilang mga kasalanan at bumangon muli, ay may buhay na walang hanggan. Ito ay problema para sa mga minamaliit ito bilang “madaling pananampalataya.”
*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.



