GraceNotes
   

   Tiyak Kailan Pa Man

Simply By Grace Podcast

Maaari bang maiwala ng isang taong naligtas ang kaligtasang iyan? Ang sagot ng Biblia ay “Hindi,” na ang isang taong naligtas ay mananatiling ligtas magpakailan pa man. Ito ay madalas tawaging doktrina ng eternal na seguridad, at madalas tukuying (minsan ay patuya) “minsan maligtas, ligtas magpakailan pa man.”

Kung iibahin natin ang katanungan, madaling makita kung paano ang eternal na seguridad ay may saysay. Halimbawa, kung itanong natin, Maaari bang maiwala ng isang taong eternal na ligtas ang eternal na kaligtasang iyan? O, ang isang tao bang inihayag na matuwid ay mawawalan ng katuwiran? O ang isang tao bang ipinanganak espirituwal maaaring hindi maipanganak? O ang tao bang libreng binigyan ng regalo ng walang hanggang buhay maiwala ito dahil sa ilang kundisyon?

Ang mga nananangan sa walang hanggang kasiguruhan ay sa pangkalahatan tinatawag na Calvinista. Ang mga nanininiwalang ang kaligtasan ay nawawala ay sa pangkalahatan tinatawag na Arminianista.

Ano ang sinasabi ng Biblia

Itinuturo ng Biblia ang eternal na seguridad sa iba’t ibang paraan:

  1. Ang Biblia ay nagsasalita nang may katiyakan tungkol sa pag-aari ng bagong buhay na nakabase lamang sa pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas. Juan 3:1-16; 5:24; 10:28; 20:31
  2. Tinatawag ng Biblia ang buhay na ito bilang “eternal” na nangangahulugang magpakailan man at nagpapahiwatig na hindi mapuputol. Juan 10:28; 11:25-26
  3. Dahil sa ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya na sa esensiyal na kahulugan ay regalo, ito ay regalong walang kapalit na hindi nakadepende sa gawa o gawi ng tao o kundisyon pagkatapos maligtas. Rom 3:24; 4:5; Ef 2:8-9
  4. Tinuturo ng Biblia na ang nakatalagang layunin ng Diyos at ang inisyal na kaligtasan ay nagreresulta sa kaluwalhatian sa hinaharap para sa lahat ng mananampalataya nang walang eksepsiyon. Rom 8:29-30; Ef 1:4-5
  5. Ipinapakita ng Biblia ang eternal na kaligtasan bilang isang legal at nagtataling relasyon sa Diyos na hindi mapaghihiwalay ninuman (kabilang na ang ating mga sarili) o ng anuman. Rom 8:1, 31-39
  6. Ipinapakita ng Biblia ang eternal na kaligtasan bilang isang hindi nababawing relasyong pampamilya sa Ama sa pamamagitan ng pag-aampon na nagreresulta sa mga eternal na pagpapala (Juan 17:3; Rom 8:15-17; Gal 3:26
  7. Tayo ay sinelyuhan ng Espiritu Santo na Garantiya ng ating kaluwalhatian. 2 Cor 1:22; Ef 1:13-14; 4:30
  8. Tayo ay iniingatan ng kapangyarihan ng Ama at ng Anak. Juan 10:28-30; 17:9-12; Judas 24
  9. Binabanggit ng Biblia ang kaligtasan sa pasibong tinig, na nagpapahiwatig na ang dahilan ay wala sa atin, kundi nasa Diyos; samakatuwid ito ay nakabase sa Kaniyang trabaho at hindi sa atin. Ef 2:5, 8; 2 Tes 2:10; 1 Tim 2:4
  10. Ang namamagitang panalangin ni Jesucristo at ang Kaniyang adbokasiya kapag tayo ay nagkakasala ay garantiya na ang ating kaligtasan ay eternal nang naganap. Juan 17:9-12, 24; Heb 7:25; 1 Juan 2:1
  11. Binabanggit ng Biblia ang kaligtasan sa pasibong tinig, na nagpapahiwatig na ang dahilan ay wala sa atin, kundi nasa Diyos; samakatuwid ito ay nakabase sa Kaniyang trabaho at hindi sa atin. Ef 2:5, 8; 2 Tes 2:10; 1 Tim 2:4
  12. Ang Biblia ay nagpapakita sa pamamagitan ng halimbawa (Abraham, David, Israel) at aral na ang Diyos ay tapat sa Kaniyang mga eternal na pangako kahit tayo ay hindi. Awit 89:30-37; Rom 3:3-4; 4:16; 2 Tim 2:13

Ilang problema sa pagtanggi ng eternal na seguridad

Ang pagtanggi sa eternal na seguridad ay nagpapakita ng maraming problema gaya ng: Gaano karaming kasalanan o mga kasalanan ang nagwawala ng kaligtasan? Ilang ulit maaaring maipanganak na muli ang isang tao? Wala na bang antas ng intimasiya sa Diyos labas sa pagtanggap lamang o pagtanggi Niya? Wala bang konsekwensiya ang kasalanan ng isang mananampalataya liban sa impiyerno? Kung ang isang taong nanampalataya kay Cristo at naligtas, ngunit nagkasala at nawala ang kaligtasan, ano pa ang natitirang dapat niyang sampalatayahan na hindi pa niya nasampalatayahan? Isa pang kundisyon maliban sa pananampalataya lamang ang kinakailangan. Madaling makita na kung wala ang eternal na seguridad, ang katiyakan ay imposible at walang solidong pundasyon sa Cristianong paglago.

Paano ang ibang mga pasahe?

May ilang mga pasahe ng Biblia na madalas banggitin ng mga hindi naniniwala sa eternal na seguridad. Imposibleng saguting ang mga ito nang paisa-isa rito. Kapag pinaliwanag nang wasto at tama, ang bawat isa sa mga pasaheng ito ay mauunawaan sa paraang umaayon sa eternal na seguridad. Una, sila ay dapat ipaliwanag nang tapat sa konteksto na kumukunsidera sa eternal na kalagayan ng mambabasa at sa layunin ng may-akda. Ikalawa, sila ay dapat umaayon sa pangkalahatang plano ng Diyos na pagpalain tayo magpakailan pa man sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya. Ikatlo, sila ay dapat umaayon sa turo tungkol sa pag-aaring matuwid sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa o anumang merito. Ikaapt, ang ilan sa mga pasaheng ito ay tumutukoy sa pagkawala ng gantimpala, hindi ng buhay na walang hanggan. Ikalima, ang ilan sa mga pasaheng ito ay kundisyon sa pagiging alagad at hindi buhay na walang hanggan.

Paano ang lisensiya sa pagkakasala?

Ang pinakamadalas na tutol sa eternal na seguridad ay ito raw ay isang kumbinyenteng dahilan para magkasala. Hindi nga ba, gaya ng tutol ng ilan, na kung ang isang tao ay may garantiya ng buhay na walang hanggan, magagawa niya kahit anuman nang hindi natatakot sa konsekwensiya. Ngunit ang argumentong ito ay mahina sa ilang kadahilanan. Una, ang argumento mula sa isang haka-haka o totoong (ngunit malayong mangyari) karanasan ay hindi nagdedetermina ng katotohanan ng isang doktrina. Ikalawa, bagama’t may ilang nanghahawak sa eternal na seguridad ang nagkakasala at dinadahilan ito, ang kapareho ay totoo sa tumatanggi sa eternal na seguridad. Ikatlo, ang kalikasan ng kaligtasan sa biyaya ay nagtuturo sa mananampalatayang tanggihan ang kasamaan at mamuhay para sa Diyos (Titus 2:11-12). Ikaapat, ang bagong kapanganakan ay nagreresulta sa bagong personang may bagong kapasidad sa espirituwal na mga bagay. Mayroong bagong relasyon sa Diyos (Roma 6:1-5), bagong kalayaang huwag magkasala (Roma 6:6-14), bagong buhay (Roma 6:11; Ef 2:1), at bagong pananaw at oryentasyon (2 Cor 5:17). Ikalima, ang Biblia ay nagtuturo na may matinding konsekwensiya at pagkawala ng gantimpala sa mga mananampalatayang namumuhay sa kasalanan (1 Cor 3:12-15; 5:5; 9:27; 2 Cor 5:10), at ito ay isang motibasyon sa pamumuhay ng maka-Diyos na pamumuhay.

Ilang implikasyon

Ang eternal na seguridad ng mananampalataya (ang obhetibong realidad na ang isang tao ay may taglay na buhay na walang hanggan) ay hiwalay na isyu sa katiyakan ng isang mananampalataya (ang subhetibong realisasyon na ang isang tao ay may taglay na buhay na walang hanggan). Subalit, kung ang isang tao ay hindi naniniwala sa eternal na seguridad, hindi maglalaon may mga okasiyon na siya ay mawawalan ng katiyakan. Mayroon ding nagsasabing kilala si Cristo bilang Tagapagligtas, ngunit hindi nagtataglay ng buhay na walang hanggan at samakatuwid ay walang eternal na seguridad at mayroon lamang huwad na katiyakan. Sa bandang huli ang doktrina ng eternal na seguridad ng mananampalataya kay Cristo ay nakasalalay sa katangian ng Diyos na tapat sa Kaniyang Salita, at sa kalibrehan ng Kaniyang biyaya.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes