GraceNotes
   

   Pag-unawa ng mga Listahan ng mga Kasalanan sa 1 Corinto 6:9-11, Galacia 5:19-21 at Efeso 5:3-5



Ang tatlong pasaheng ito ay pare-pareho dahil sa paglilista nila ng mga kasalanan at ng mga konsekwensiya para sa mga gumawa ng mga ito. Ang mga pasahe ay madalas makalito ng mga tao. Anong uri ng mga tao ang inilalarawan nila, mga mananampalataya o hindi mananampalataya? Ano ang punto ng paglilista ng mga kasalanang ito para sa orihinal na mambabasa at para sa atin ngayon?

Naiwawala ba ng mga mananampalataya ang kanilang kaligtasan kapag nagawa nila ang mga kasalanang ito?

Hindi. Ito ang karaniwang posisyung Arminiano, ngunit maaari nating isantabi ang interpretasyong ito dahil alam nating ang kaligtasan sa biyaya ay nangangahulugang ang mga gawa ay hindi matatamo (Ef 2:8-9; Tito 3:5) o maiwawala ang kaligtasan (Rom 5:20; Col 2:13-14). Bukod diyan, ang mga kasalanang pinangalanan ay magkakaiba sa bawat pasahe kaya walang tiyak na pamanatayang malalaman ng isang tao kung ang kaligtasan ay naiwala. Ang ilan sa mga kasalanan ay madalas at nakalulungkot na makikita sa mga Cristiano: pagkainggit, pagkamuhi, mga pag-igkas sa galit, makasariling ambisyon, pagnanasa, at paglalasing. Ang kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya ay nag-aalis ng magagawa ng isang tao bilang isang kundisyon sa pagtamo o pag-iingat ng kaligtasang iyan (tingnan Ang Tala ng Biyaya Blg 24 “Eternal na Kasiguruhan”).

Pinakikita ba ng mga nagpapahayag na mananampalatayang hindi sila tunay na ligtas kung magawa nila ang mga kasalanang ito?

Ang interpretasiyong ito ay madalas manggaling sa teolohiyang Reformed na nagtuturong kung pinili ng Diyos ang mga nanampalataya at nagtanim ng dibinong pananampalataya bilang isang regalo, kung ganuon sila ay siguradong mamumuhay at makatitiis hanggang sa katapusan ng kanilang mga buhay nang walang mayor na kasalanan. Marami ang gagamit ng pariralang “Ang pananampalatayang walang gawa ay patay” na kanilang pinakahuhulugang ang buhay na walang nakikitang mabubuting gawa (at/o buhay ng kasalanan) ay nagpapakitang ang pananampalataya ay hindi talaga umiiral. Ngunit ang posisyung ito ay isang posisyung teolohikal na nanggaling sa maling interpretasiyon ng Santiago 2:14-26 (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 2 “Pananampalataya at Mga Gawa sa Santiago 2:14”). Ang interpretasiyong ito rin ay nagpapawalang bisa ng libreng biyaya ng Diyos at ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang dahil ang mga gawa aty naging kinakailangang bahagi o patunay ng kaligtasan, at kung ganuon ay isa ring kundisyon. Sasang-ayon tayo na ang mga gawa ay dapat maging katangian ng isang mananampalataya (Ef 2:10) ngunit hindi sila makapatutunay o makapabubulaan ng kaligtasan ng isang tao (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 28 “Mapatutunayan ba ng Mabubuting Gawa ang Kaligtasan”).

Ang mga kasalanan bang ito ay makalalarawan ng isang mananampalataya kay Cristo?

Walang duda na ang mga kasalanang nakalista ay maaaring gawin ng mga mananampalataya. Ito ang dahilan kung bakit pinangangaralan ni Apostol Pablo ang kaniyang mga mambabasa laban sa paggawa ng mga ito. Ang mga mananampalataya sa Corinto ay gumagawa na ng mali at nandaraya (1 Cor 5:11; 6:6-8). Ang mga mananampalataya sa Galacia ay sinabihang huwag gamitin ang kanilang kalayaang Cristiano upang paglingkuran ang kanilang mga makasalanang laman, na mangyayari kung hindi sila lalakad sa Espiritu (Gal 5:13, 16). Ayaw ni Pablo na ang mga mananampalataya sa Efeso ay malinlang sa paggawa ng mga kasalanang ito (Ef 5:6-7). Ang Biblia at ang tunay na buhay ay nagpapatotoo ng realidad ng kasalanan sa mga Cristiano. Ang mas maiging tanong ay, “Ang mga kasalanang bang ito ay dapat maging katangian ng isang mananampalataya kay Cristo?” Ang sagot ay malinaw na, “Hindi!”

Paano kung ganuon ginamit ni Pablo ang listahan ng mga kasalanan?

Ang tanong na ito ay nakadepende kung ano ang ibig ipakahulugan ng isang tao sa pagmamana ng kaharian ng Diyos. Samantalang ang iba ay nakikita ang pangkasalukuyang aspeto ng kaharian ng Diyos (1 Cor 4:20; Ef 2:6; Col 1:13) kung saan ang mga mananampalataya ay mararanasan ang temporal na mga gantimpala, ang pagmamana ng kaharian ng Diyos sa mga pasahe ng kasalanan ay tila malinaw na nasa hinaharap pa, gaya ng ibang pasaheng Paulino (1 Cor 15:24, 50; Ef 1:14, 18; Col 3:24; 2 Tim :1, 18).

Na tumatanaw sa kaharian sa hinaharap, may dalawang pananaw na nagpapanatili ng integridad ng kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang dalawang pananaw ay parehong nagpapalagay, na may magandang dahilan mula sa konteksto, na ang mga mambabasa ay mananampalataya. Sa 1 Corinto, ang salungatan sa pagitan ng hindi mga mananampalataya at ng mga mananampalataya ay malinaw na nakikita sa 6:1-9. Sa v1 nakita natin ang salungatan sa pagitan ng “hindi matuwid” at ng mga “banal” at sa v6 ang salungatan sa pagitan ng “mga kapatid” at ng mga “hindi mananampalataya.” Ito ay tumutulong upang idepina ang hindi matuwid sa v9 bilang mga hindi mananampalataya salungat sa mga mambabasa na mga mananampalataya (1:6-7; 3:26-27; 5:1) na binibigyan ng dalawang pagpipiliang mamuhay ayon sa Espiritu o mamuhay ayon sa laman (5:16-26). Ang mga kasalanan ng laman ay katangian ng mga dating buhay ng mga mambabasa bilang mga hindi mananampalataya (5:24). Ang mga listahan ng kasalanan ay madalas ginagamit upang ilarawan ang mga hindi mananampalataya sa Bagong Tipan (cf Roma 1:29-32; Fil 3:2; 2 Tim 3:2-7; Tito 3:3; 1 Ped 4:3; Pah 21:8). Ang mga mambabasa sa Efeso ay tinawag na mga “banal” (1:1) at pinaalalahanan sila ni Pablo na sila ay ligtas (2:8). Matapos kumpirmahin ang kanilang posisyun kay Cristo sa kabanata 1-3, ang mga etikong hinihingi ng kabanata 4-6 ay pinakilala sa 4:1 sa pangaral ni Pablong “lumakad nang ayon sa pagkatawag na kayo ay tinawag.” Ang kanilang gawi kung ganuon ay dapat na sumalungat sa dati nilang mga hindi ligtas na pamumuhay (4:17-32). Kung ganuon, ang isyu sa Efeso 5 ay ang gawing “nararapat para sa mga banal” (v3). Pinagkukumpara ni Pablo kung ganuon ang gawi ng mga mananampalataya sa liwanag at sa mga hindi mananampalatayang nasa kadiliman (v1-18). Hindi sila dapat makibahagi kasama ng mga hindi mananampalatayang “mga anak ng pagsuway” (cf 2:2-3) na nakararanas ng poot ng Dios (v 6-7). Kung ganuon, malinaw na ang mga mambabasa ni Pablo sa tatlong epistulang ito ay mga mananampalataya.

Ang isang pananaw ay nakikita ang mga pasaheng ito bilang mga mananampalatayang malapit maiwala ang kanilang mga gantimpala sa eternidad gaya ng paghaharing kasama ni Jesucristo. Ang intepretasiyong ito ay pinanghahawakan ang “pagmamana” bilang nangangahulugang ganap na pag-aari o pagtatamasa ng masaganang gantimpala sa hinaharap na sanlibong taong kaharian ng Diyos base sa magagawa o merito. Samantalang ang lahat ng mga mananampalataya ay papasok sa kaharian, tanging ang mga tapat na mananampalataya (na umiiwas sa mga nalistang kasalanan) ang gagantimpalaan. Ang pagmamana o mana ay ginamit upang banggitin ang pagtamasa ng eternal na gantimpala sa hinaharap, kasama na ang paghaharing kasama ni Cristo, sa maraming pasahe ng Bagong Tipan (Roma 8:17b; Col 3:24; 2 Tim 2:11-13). Subalit, sa 1 Cor 15:50-53 ang pagmana ng kaharian ng Diyos ay hindi namemerito at nakabase sa muling pagkabuhay ng mga mananampalataya sa panahon ng iglesia.

Ang isa pang pananaw ay nakikita ang mga pasaheng ito bilang pangaral sa mga mananampalatayang huwag kumilos na gaya ng mga hindi mananampalataya. Sa madaling salita, ang mga listahan ng mga kasalanan ay naglalarawan ng mga katangian ng hindi mananampalatayang hindi dapat gayahin ng mga Cristiano. Ang mga hindi mananampalatayang ito ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos at magtatamasa ng mga kayamanan nito dahil hindi sila papasok sa kaharian, kaya anong dahilan kung bakit nanaisin ng mga mananampalatayang mapabilang sa kanila? Kinokonekta ng Galacia ang mana sa pangakong Abrahamiko at pananampalataya kay Cristo, hindi sa magagawa (Gal 3:18, 29; 4:1, 7, 30). Ang Mateo 19:16 ay pinapakitang ang “pagkakaroon ng buhay na walang hanggan” ay pareho ang kahulugan sa “pagmamana ng buhay na walang hanggang” ginamit sa dalawang paralel na kwento sa Marcos 10:17 at Lukas 18:18. Ang pagmamana ng kaharian kung nagbabanggit ng gantimpala ay sa nesesidad kabilang ang pagpasok sa kaharian. Ang mga hindi pumasok sa kaharian ay ginawa ito na may ekspektasiyong makatanggap ng gantimapala. Ang salungatan sa pagitan ng mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay napakahayag sa mga konteksto ng mga pasaheng ito anupa’t ang interpretasiyong ito ang mas malakas sa dalawa.

Pagbubuod

Ang listahan ng mga kasalanan sa tatlong pasaheng ito ay hindi sinulat upang magbabala sa pagkawala ng kaligtasan, o ipakilala ang mga huwad na nagpapahayag na sila ay ligtas. Ang mga ito ay sinulat upang imotiba ang mga mambabasa na mamuhay sa kanilang katawagan bilang bagong tao sa bagong buhay. Ang mga kasalanang nakalista ay katangian ng mga hindi mananampalatayang ang gawi ay sinasalungat sa mga dapat katangian ng mga mananampalataya. Ang salungatan ay konsistent at empatiko sa bawat konteksto. Malungkot na katotohanang ang mga mananampalataya ay maaaring mamuhay ayon sa kanilang makasalanang kalikasan, ang laman, at mukhang mga hindi mananampalataya. Ang mga Cristianong patungo sa kaharian ay hindi dapat mamuhay gaya ng mga hindi Cristianong patungo sa impiyerno; ito ay hindi ayon sa bagong buhay, bagong posisyun at bagong pagkakakilanlang binigay sa mga nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas. Ang ganiyang masamang gawi ay magwawala ng gantimpala sa buhay na ito at sa darating na kaharian.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes