GraceNotes
   

   Hypergrace: Gaano Kabiblikal Ito?



Ang hypergrace, minsan ay tinatawag na makabagong kilusang biyaya o radikal na biyaya, ay nagbibigay ng matinding diin sa natapos na gawa ni Jesucristo, biyaya, at mga Epistula samantalang minamaliit ang Lumang Tipan at ang mga Evangelio. Inaangkin ng mga tagapagtaguyod na kanilang binabalik ang tunay na evangelio ng biyaya. Kabilang sa mga guro nito sila Paul Ellis, Andrew Farley, Bob George, Joseph Prince, Andrew Wommack, Ryan Rufus, Ken Legg, at Peter Wilson. Malimit nilang tawagin ang mga pangunahing pananaw Evangelikal bilang halong biyaya (biyaya at kautusan) nang hindi pinag-iiba ang mga posisyung Arminiano, Free Grace, at Calvinistiko. Dahil ang Hypergrace ay walang sistematikong teolohiya at ang mga pananaw nito ay nag-iiba ayon sa mga guro, ang sumusunod ay nagbubuod ng mga tipikal nitong aral at kinumpara sa Kasulatan.

Ang natapos na gawa ni Jesucristo sa Krus para sa kaligtasan. Ang mga guro ng hypergrace ay wastong sumasang-ayon sa kaligtasan sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang at tinatakwil ang Lordship Salvation. Tinuro nilang ang lahat ng mga kasalanan—sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap—ay pinatawad sa krus, ngunit tinatakwil nila ang unibersalismo. Samantalang tinuturo ng Bibliang ang kapatawaran ng lahat ng mga kasalanan ay binigay sa krus (tingnan Ang Mga Tala ng Biyaya blg. 33, “Ang Abot ng Pagpapatawad ng Diyos”), bigo ang Hypergrace na pag-ibahin ang posisyunal na kapatawaran (na nagtatatag ng relasyon sa Diyos) mula sa kapatawarang pampamilya (nagpapatuloy na pakikisama sa Diyos). Ang kanilang mensahe ay “Ikaw ay pinatawad na; sampalatayahan mo lang ito,” pinalalabo ang resulta ng kaligtasan (kapatawaran) sa pamamaraan ng kaligtasan (pananampalataya kay Cristo).

Pagwalansaysay sa Progresibong Sanktipikasyon. Pinagsasama ng Hypergrace ang pag-aaring matuwid at ang sanktipikasyon at nag-aangking sa sandaling ariing matuwid, ang mga mananampalataya ay ganap na pinabanal. Tinatanggi nila ang pangangailangang lumago, na sinasabing ang kabanalan ay walang hirap kapag ang mga Cristiano ay namamahinga sa kanilang identidad at nakapokus kay Cristo. Ang mga panawagan sa kabanalan at pagiging alagad ay tinandaang legalistiko. Sa kasamaang palad, tinatakwil ng Hypergrace ang Biblikal na pagkakaiba sa pagitan ng posisyunal na sanktipikasyon (1 Cor. 6:11; Heb. 10:10) at progresibong sanktipikasyon (Col. 1:28; 2 Pedro 3:18; Heb. 10:14). Ngunit kahit ang mga Epistula ay nag-uutos sa mga mananampalatayang sadyang itaguyod ang pagkamaka-Diyos (Rom. 6:19; 2 Cor. 7:1; 1 Tes. 4:3; 2; Heb. 12:14; 1 Pedro 1:14-15; 2 Pedro 3:18; tingnan din Ang Mga Tala ng Biyaya blg. 50, “Kabanalan: Kaninong Gawain Ito?).

Hindi na kailangan pang ikumpisal ng mga mananampalataya ang kanilang mga kasalanan. Dahil nakikita ng mga guro ng Hypergrace ang mga mananampalataya bilang perpekto kay Kristo, hindi kailanman hindi nasisiyahan ang Diyos sa kanilang kasalanan dahil lahat ng kasalanan ay napatawad na. Hindi nawawala ang pakikisama ng mga mananampalataya sa Diyos. Hindi sila maaaring magkasala laban sa Diyos ngunit maaari silang gumawa ng mga bagay na makasasama sa kanilang sarili at sa iba. Marami ang nagkakailang may likas na kasalanan ang mananampalataya; hindi sila ang nagkakasala kundi ang kasalanang nananahan sa kanila. Sinasabi nilang ang 1 Juan 1:9 ay para sa mga hindi mananampalataya; kaya naman, ang pagkukumpisal ay hindi para sa mga Kristiyano; tinatanggihan nito ang natapos na gawain ni Cristo, na ginagawang kasalanan ang pagkukumpisal. Ang mas mahusay na interpretasyon ng 1 Juan ay isinulat ito sa mga mananampalataya tungkol sa pagtamasa ng pakikisama sa Diyos at sa mga Apostol. (tingnan Ang Mga Tala ng Biyaya blg. 37, “Pagpapaliwanag ng 1 Juan”). Ang mga Kristiyanong nagkakasala, nagkakasala nga laban sa Diyos (Awit. 51:4) at maaaring mawalan ng kagalakan, masira ang kanilang patotoo, at maranasan ang mapagmahal na disiplina ng Diyos (1 Cor. 11:27-32; Heb.10: 26-31; 12:5-11; Pah. 3:19). Ang pagkukumpisal ay nagbabalik ng pakikisama sa Diyos na nawala dahil sa kasalanan (tingnan Ang Mga Tala ng Biyaya blg. 58, “Kailan Bang Ipahayag ng Mga Mananampalataya Ang Kanilang Mga Kasalanan Para Patawarin?”).

Hindi pinapansin ang pakikibaka ng mananampalataya sa laman. Ayon sa Hypergrace, ang mga pagsisikap tungo sa pagsunod o kabanalan ay "pagsisikap sa laman." Iniinterpreta nila ang Roma 7:14-25 bilang pakikibaka ni Pablo sa kasalanan bago ang kaligtasan. Hindi nito binibigyang-pansin ang pakikibaka ng mananampalataya sa sanlibutan, sa laman, at sa diablo. (1 Juan 2:17; Santiago 1:14-15; 4:1; 1 Pedro 1:22).

Naniniwala silang ang Banal na Espiritu ay nalulungkot hindi dahil sa kasalanan ng isang mananampalataya, kundi dahil sa kabiguang lubos na makilala si Cristo. Ang hypergrace ay iniinterpreta ang pagsisisi bilang pagbabago ng isip na yumayakap sa katotohanan tungkol sa biyaya ng Diyos; hindi ito tungkol sa kasalanan. Ngunit ipinapakita ng Banal na Kasulatan na ang mga mananampalataya ay maaaring maging makalaman, (1 Cor. 3:1-5) at kabilang sa pagsisisi ang pagbabago ng isip na dapat humantong sa pagbabago ng pag-uugali (2 Tim. 2:24-25; Pah. 2-3).

Tinanggihan ang mga moral na pangaral sa Bagong Tipan. Ang Hypergrace ay nagtuturo na ang mga pagtatangkang sumunod sa mga utos ng Bibliya ay legalismo. Hinihikayat lamang nila ang pagpapahinga at pagtingin kay Hesus. Ngunit hindi nito binibigyang-pansin ang ugnayan ng pagsunod at pagmamahal sa Diyos (Juan 14:15, 21). Bagama’t ang mga mananampalataya ngayon ay hindi na sakop ng Kautusan ni Moises, madaling binabalewala ng Hypergrace ang moralidad ng Lumang Tipan at ng Sermon sa Bundok. Hindi nila nauunawaan ang legalismo, na hindi ang pagsunod kundi ang pagkakaroon ng isang saloobin ng pagsunod sa mga patakaran para lamang magmukhang espiritwal, isang saloobing mapagmataas. Ang pag-ibig at biyaya ng Diyos ang nag-uudyok at nagbibigay-lakas sa pagsunod; hindi nito inaalis ang pagsunod (Ef. 2:8-10; Tito 2:11-12; 1 Juan 3:21-24; 5:2-3). Ang lahat ng Kasulatan ay kapaki-pakinabang pa rin sa mga mananampalataya ngayon (2 Tim. 3:16; tingnan din ang Rom. 15:4; 1 Cor. 10:6-12; Ef. 6:1-3).

Binabalewala ang pananagutan sa Hukuman ni Cristo. Sinasabi ng Hypergrace na hindi kailanman nagagalit ang Diyos sa mga mananampalataya at hindi Niya sila dinidisiplina. Marami ang ganap na binabalewala ang Hukuman ni Cristo; ang iba naman ay nagsasabing ito ay pagdiriwang sa gawain ni Cristo, hindi ang pagsusuri sa mga mananampalataya. Tinanggihan nila ang anumang paghatol o pagsusuri sa mga Cristiano, at tinuturong ang mga mananampalataya ay kasing-banal ng si Jesus, at ang pagtuturo ng pagsusuri sa hinaharap ay nagtataguyod ng relihiyong nakabatay sa takot. Sinasabi nilang legalistiko ang ganitong motibasyon dahil ang mga mananampalataya ay dapat lamang mapakilos ng pag-ibig ng Diyos at ng kanilang pagkakakilanlan kay Kristo. Gayunpaman, ipinahihiwatig ng Banal na Kasulatan na ang mga mananampalataya ay susuriin sa Hukuman ni Cristo para sa gantimpala o pagkawala ng gantimpala (1 Cor. 3:11-15; 9:27; 2 Cor. 5:9-11).

Hindi binibigyang-halaga ang kaugnayan ng Kautusan ni Moises. Ayon sa Hypergrace, nagpatuloy ang Lumang Tipan ng Kautusan hanggang sa kamatayan ni Cristo, na nagpasimula sa Bagong Tipan (Mat. 26:27-28; Heb. 9:16-17). Bagaman totoo ito, naniniwala silang ang tunay na ebanghelyo ng biyaya ay hindi lumitaw hanggang sa mga sulat ni Pablo, at ang mga turo ni Jesus, na nasa ilalim ng Kautusan, ay may kaunti o walang kaugnayan sa mga Cristiano ngayon. Hindi nila nakikilalang ang Kautusan ni Moises ay isang moral na kodigong naglalarawan sa katuwiran ng Diyos, na maaaring magbigay kaalaman sa moralidad ng mga Cristiano. Bagaman nararanasan ng mga mananampalataya ngayon ang ilang antas ng espirituwal na pagpapala ng Bagong Tipan, ipinapakita ng Kasulatang ang ganap na katuparan ay naghihintay sa ganap na pagpapanumbalik ng Israel sa hinaharap (Jer. 31:31-37; Ezek. 36:16-38).

Pagbubuod

Ang pananaw ng Hypergrace ay kaakit-akit sa ilan dahil binibigyang-diin nito ang biyaya ng Diyos at ang pagkakakilanlan ng mananampalataya kay Cristo, at dahil dito, marami ang natulungan nito. Gayon pa man, sa pagtugon nito laban sa relihiyong nakabatay sa pagganap, madalas na hindi maayos ang paggamit ng Hypergrace sa Banal na Kasulatan. Labis nitong binibigyang-diin ang biyaya sa mga paraang nagpapabaya sa mahahalagang katotohanan tulad ng paglakad sa kabanalan, pakikipagkaisa sa Diyos, at ang pananagutan sa Hukuman ni Cristo. Anumang pagbibigay-diin sa biyaya ng Diyos ay dapat na may kasamang katotohanan ng Diyos. Inuutusan ang mga mananampalatayang magsikap sa pagkamaka-Diyos (Rom 12:1–2; Tito 2:11–14) at lumakad sa pamamagitan ng biyaya sa pananampalataya, na nagbubunga ng bunga ng Espiritu (Gal. 5:16-25). Sa pag-alis sa mga inaasahan ng Diyos para sa kabanalan at pagiging alagad, ang pananaw ng Hypergrace ay nagtataguyod ng pagiging kampanteng maaaring makasama sa mananampalataya. Ang biyaya ng Diyos ay tunay na kahanga-hanga kapag binalanse sa tamang pagpapakahulugan ng Salita ng Diyos.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes